Kahirapan sa Pilipinas
Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat
ng problema ng ating bansa. Ito rin ay isang pangkalahatang suliranin ay
isang malalimna sugat na makikita sa bawat sukat ng kultura at lipunan.
Ang kahirapan ay nangangahulugang isang kakulangan ngpangunahing pangangailangan ng tao katulad ng pananami, kanlungan atpagkain. Ito ay maaaring dahil sa kawalan ng pera at maaari ring dahil sahindi pagkapantay-pantay sa pamamahagi ng kayamanan. Halos lahat ng tao dito sa pilipinas ay naghihirap at kaunti lamang ang nagawang pigilan ito.Ngunit, ano nga ba ang pangunahing sanhi ng patuloy na pagtaas ng antas ng kahirapan? Ano ba ang maaaring maging epekto ng kahirapan?
Sa panahon ngayon, dapat nating pagtuunan ng pansin ang ating kahirapan.
Ito ay ang pinakamalaking problema na dapat nating gawan ng aksyon upang
masolusyunan
Ang kahirapan ay nangangahulugang isang kakulangan ngpangunahing pangangailangan ng tao katulad ng pananami, kanlungan atpagkain. Ito ay maaaring dahil sa kawalan ng pera at maaari ring dahil sahindi pagkapantay-pantay sa pamamahagi ng kayamanan. Halos lahat ng tao dito sa pilipinas ay naghihirap at kaunti lamang ang nagawang pigilan ito.Ngunit, ano nga ba ang pangunahing sanhi ng patuloy na pagtaas ng antas ng kahirapan? Ano ba ang maaaring maging epekto ng kahirapan?
Epekto ng kahirapan sa kalusugan

Epekto ng kahirapan sa edukasyon
Marami sa ating mga mamamayan particular sa mga magulang at mag-aaral na ang pangunahing sagwil o hadlang sa pagkakaroon ng tamang edukasyon ay ang kahirapan. Sa biglang tingin at hindi na pag-aaralan ang bagay na ito, maaaring totoo na ang kahirapan nga ang siyang dahilan upang hindi makapagtapos ng pag-aaral o hindi makatuntong man lamang kahit sa unang taon sa mataas na paaralan ang isang mag-aaral.
Maaaring isa ang kahirapan sa malaking dahilan kung bakit maraming mahihirap na mag-aaral ang hindi nakpagtatapos ng kanilang pag-aaral. Pero kung ating pag-aaralan, bakit marami rin namang mahihirap ang nakapag-aral at narating ang tugatog ng kanilang pangarap? Bakit maraming mahihirap na sumikat sa iba't ibang larangan taglay ang kanilang karunungang natutuhan sa kanilang pag-aaral?
Ibig sabihin nito na hindi ang kahirapan ang tunay na sagwil at hadlang upang hindi matupad ng isang mahirap na mag-aaral ang kanyang pangarap na makapagtapos ng kahit anong kursong kanyang gugustuhin. Kung nanaisin at gugustuhin ng isang mag-aaral ay matutupad nya ang kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral na magiging sandigan niya sa pagharap sa tunay na buhay. Maging masipag at matiyaga lamang at alisin sa katawan at isipan ang katamaran ay hindi imposibleng matupad niya ang makapagtapos ng kanyang pag-aaral.
Kung nanaisin at gugustuhin ng isang mag-aaral sa tulong ng kanyang mga magulang ay makapagtatapos siya ng pag-aaral. Maraming paraang ang puwedeng magawa nang hindi gagawa ng masama. Ipokus lamang ang kaisipan sa magagandang bagay na magsisilbing motibasyon niya sa kanyang pag-aaral ay tiyak na makararating siya sa kanyang paroroonan. Marami na rin sa panahon ngayon ang mga samahan o Foundation na handing tumulong sa mga mahihirap na mag-aaral para makapagtapos sa minimithing pangarap. Sabi nga sa kasabihan; 'Kapag gusto ay may paraan, subalit kapag ayaw ay may dahilan'.
Epekto ng Kahirapan
· matinding gutom
· pangingibang-bansa
· gulo
· pagsasakit ng mga mahihirap
· pagkamatay ng tao
Ito ang mga naging epekto ng kahirapan sa ating
bansa.Kung hindi ito matitigil, hinding-hindi na uunlad ang ating bansa. Ano pa nga bang hinihintay natin? Ang patuloy pang
lumala ang kahirapan na ating natatamasa? Bakit hindi tayo kumilos? Magsikap
tayo habang maaga pa upang umunlad ang ating buhay!
No comments:
Post a Comment